Monday, May 16, 2011

AHEM?

Maglalabas lang ng saloobin. :>


Naglilinis ako kagabi, niligpit ko yung mga kalat sa mini drawer namin habang nakacharge ang cellphone ko. Naisip ko baka nagtext si Bren, kaya tinigil ko yung ginagawa ko't kinuha yung cellphone. 3 NEW MESSAGES. gaya ng inaasahan nagtext si Bren, yung isa GM ni ate wends, at yung isa... number lang.. sabi nia 'magandang gabi' daw.. nung tiningnan ko yung number saka ko napagtanto na kilala ko yun.. di ako pwedeng magkamali.. si F yun.. di pa pala sia nagpapalit ng number, at alam nia pa number ko.


Nagulat ako, nagtaka.. anung nakain nya't matapos ang apat na buwan ee nagtext sia sakin?
Nanginig ako sa kaba. Di ko maisip kung anung dahilan..


Napag-isip-isip ko na panahon na din siguro para maayos yung gusot ng nakaraan.. kaya nagreply ako.. inayusan ko naman pakikitungo ko sa kania. di na naman ako galit sa kania, sadyang nasaktan lang ako sa ginawa nia noon.


Sinabi niang di daw naging sila ni KIM. panakip butas lang daw. nagtext sia hindi daw para magparamdam na hihingi sia ng isa pang chance.. gusto nia lang daw makipagkaibigan ulit.. kahit kaibigan na lang daw. di ako tumanggi. gusto ko naman talagang magkaayos kami't maging magkaibigan ulit. pero hanggang dun na lang yun. di na pwedeng maulit lahat ng nangyari noon.


Nung graduation pala sinabi sa kanya ni Pau yung sinabi ko.. na sana si Kim na yung huli niang maging girlfriend.. na sana wala na siang saktan ulit na babae. Nagbalak pala siang itext ako nun. Nahihiya lang daw.. Aba dapat lang na mahiya sia, after ng lahat ng ginawa nia xD


Pero naaawa ako kay babae. umasa kasi sia.. yan tuloy nasaktan ng bongga.
pero makakalimot din yun.. kung ako nga na mas matindi yung sakit na naramdaman ee naging okay, sia pa kaya? :D


.. pero nakakagulat talaga. senyales kaya to ni Lord? HAHA!
nung isang gabi napanaginipan ko sia..


tapos nung isang araw may nagtext, advance happy birthday daw.. sa dulo ito nakalagay:
-- pau gozo -- ferdinand parin (naalala nia bday ko Ö)


kahapon may nakita si kapatid na pangalan nia dun sa pader sa labas ng bahay nina great grandma.. ferds


kahapon din Ferdinand Liner ang unang bus na nakita ko sa Manggahan.




siempre nagkataon lang lahat yun. pero nakakagulat pa din.
di ko nman kasi inaasahang may mangyayaring ganito.
basta ang alam ko wala na kong pangamba na may di ako kasundo kapag nagunaw na ang mundo. :P salamat sa kakapalan nia ng muka, at least ngayon medio okay naman kami, parang yung dati pa din, nung magkaibigan pa lang kami. :) 





6 comments:

  1. nice, hahaha. first text nya ba un after nung break up?.. nadinig ko na dati yn e, ung nkkpg kaibigan after ng ilang buwan na hindi ngparamadam. mga lalake tlga. pare parehas. (lol. bka may mkbasang lalaki nito, patayin ako. haha)

    pero mgnda yn :)) at least the lump on your chest is gone. para bng relieved kna, kht wala ka nmn tlgang dpt ipangamba :D
    and about the signs. payo lng, wg mu na sya isipin. HAHA, (PAG NABASA TLGA TO NI F, BKA SAKSAKIN NA LANG AKO NUN BIGLA XD)ngkataon lng un. i mean, i know God knows that you deserve a better one than him. :) tska sa tingin ko, mukhang mas masaya ka nung nkaka move on ka na. and trust me, mas masaya kpg totally moved on ka na, tpos alm mong wala kng kaaaway at wala ng ung parang part ng sarili mo na nakakulong. SO BRACE YOURSELF! BECAUSE THE HAPPIEST PART OF YOUR LIFE IS ABOUT TO COME! HAHAHA.

    ang hba nito. namiss kita e. :))
    pero comment ko lng nmn to. alm mo naman ako, kumentarista, pasensya na. :D

    so congrats eL! NOT BECAUSE YOU GUYS ARE CIVIL, BUT BECAUSE YOU'RE NOW TOTALLY FREE AND HAPPY :)) MUAH.

    ReplyDelete
  2. based on experience ba yan wends?? haha.

    o ella, sundin ang expert! alam mo naman yan si wends marami ng napagdaanang ganyan yan sa buhay nya. hahaha xD

    well, good for u ell ^_^ haha. di na kailangang maging bitter :P

    O.O at shocking ha! nagtagalog ka sa blog mo?? ^_^ di na ako nosebleed!!

    ReplyDelete
  3. haha! got your point ate wends. :)
    friendship lang mabibigay ko sa kanya. mas okay na yung ganito. madami pang iba dian na mas okay, di naman siguro ako mauubusan. :P

    susundin ko ang expert jom. love doctor yan ee. haha! xD :)
    tinamad ako mag english ee, naubusan ako ng english sa baul xDD

    ReplyDelete
  4. based on experience?? err. i hate to admit it, pero pare parehas lng sila. haha. i mean ung mga gnyang moves. ugh! oi jom! isa lng napag daanan kong gnyn sa kabuhayan ko!haha. ung iba napulot ko lng :D

    ndi ka mauubusan tlga el! haha. sa ganda at talino mong yan! pdeng pde kang maligo sa dami ng lalake. LOL. xDDD

    ReplyDelete
  5. true experience din tong akin. WAHAHAHAHA! nakisali?
    wala naman talagang masama makipagkaibigan ulit eh. at least alam na, na you're not holding grudges anymore.
    kaso dun sa part ko, di ko alam kung ano status namin (ni past). after 3 years, di ko alam kung ano kami ngayon. walang communication, walang news, wala lahat. hahahaha!
    yung sa mga signs, may mga ganyan din na nangyari sakin. pero hindi pangalan nia kasi unique name nun eh. hahahaha!
    naririnig ko lang lagi yung kanta na kinakanta nia sakin. halos araw-araw! at may record pa talaga ko nun! GRABE. di ako makapaniwala nun.

    AYAN, anhaba din ng comment ko.
    NAMISS KO DIN KAYO EH! haha.
    kaya ella, cheer up! there is that ONE who's really the BEST for you! :]

    ReplyDelete
  6. YUN OH! ANOTHER SIDE NI JANA NA DI KO PA NAKIKITA >//< AYII! HAHA. PARANG OUT OF PLACE AKO DITO AH! NAKAKAHALATA NA AKO xD

    ReplyDelete