Friday, April 15, 2011

TOL. :D



ANGELO
sia ang pinakamamahal kong kapatid, si LO.
dalawa lang naman kaming magkapatid kaya wala kaming magagawa kundi maging close sa isa't isa (parang napilitan ee no? xD)
Lalaki sia, Babae ako.
hindi naman big deal ang gender para maging magkalapit ang magkapatid.
oo, close kame.. as in super close. :'>
dalawang taon lang naman ang gap namin, di nagkakalayo, kaya siguro nagkakaintindihan kaming dalawa.



               kapag masaya ako, lagi kong kinukwento sknia ang dahilan khit na alam kong hindi sia interesado. nagsasabi din ako sknia ng mga corny na jokes at ayun pilit ang tawa minsan para lang di ako mapahiya pero kapag sia naman ang nagjojoke binabara ko sia. (adiba ang sama kong ate xD) kapag malungkot ako, umiiyak ako sa harap nia at nagsasabi ng sama ng loob. pero minsan kapag alam niang malungkot ako bigla nlng sasabihin nun..
"oh? iiyak ka na naman? di iniiyakan yun"

sia ang nakakagawa ngayon ng mga dati kong gustong gawin.
sabi ko dati mag-aaral akong mag.gitara, di ako natuto, pero sia matyagang nag-aral nun, kaya eto marunong siang mag.gitara at ako, hamak na tagakanta nia :P
sabi ko din dati gagalingan ko pang mag drawing,
 pero ngayon sia ang magaling mag drawing samin, nagtyaga din siang matuto nun.
edi sia na! da best sia ee! :D


ang mga sumusunod ay ilan sa mga nonsense talks namin ng kapatid ko..
wala lang, gusto ko lang i-post dito Ü

SA JEEP..
Lo: sigurado kang sasakay tayo sa tricycle mamaya?
La: edi maglakad na lang..
Lo: nawawala kasi yung bente ko ee. (sia kasi tagabayad pag magkasama kmi :P)
La: san napunta yun?
Lo: baka naglayas.

SA BAHAY..
La: ganun nman dba Lo? kapag may umalis ibig sabihin may dadating.
Lo: ee kapag walang dumating baka may babalik?
La: pang-asar toh! alam mo nmang ayaw ko neh!
Lo: bakit ba? nabasa ko lang yun ee.

La: oy ano yan ha? naglalaro ka ng BARNEY?! kadiri to, anlaki laki na ee barney pa din.
Lo: *tawa ng napahiya*

SA LOCAL..
Lo: andun si ******* oh!
La: saan?
Lo: dun sa taas.
La: oh, eh bat ganian ka makatingin? EX ko ba sia?
Lo: hinde, NEXT mo sia.

La: ung isa gusto ko, kaso 8k yun ee.
Lo: may 5k naman na bibigay sayo dba? edi dagdagan mo nlng ng 3k. kaso kelan mo pa maiipon yon? after ten years pa siguro, palibhasa 100 pesos lang isang taon ang ipon mo.
La: badtrip.

SA TRICYCLE..
-- nakasakay kami sa tricycle, may dumaang sasakyan na may sakay na PIG. kapag nakakakita kami ni Lo ng pig ay naaalala namin si EHEM. xD nang nakita namin yung pig na sakay ng sasakyan, sabay naming nasabi to..
" UI SI ANO OH! " :DD ssiempre ansaya ko, karamay ko kapatid ko sa palihim na panlalait ee. :P


madami pang ibang ganian, di ko na nga lang matandaan.
basta ang alam ko, kahit na ayaw niang sabihin na maganda ako (hahahah! >:P)
at palagi nia kong kinokontra at sinasabihan ng "YUCK" kapag sinasabi kong "ang cuuuute ko talaga XD",
mahal ko pa din sia. 

odiba MAGALENG, tinakpan ako :/
ayan, share ko lang :)
antok na kooo..
oyasumi nasai! Ü

3 comments:

  1. .. sige ella ikaw na ang may kapatid!! kayo na ang close! inggitin mo pa ako >.< ..

    .. haha xD joke lang ..
    .. superlike! ..
    .. ang kulet ng usapan nyo ..
    .. mama ko lang nagaganyan ko eh ..
    .. ahahaha xD ..
    .. syempre wala naman akong kapatid .. :P

    .. nga pala ..
    .. nagjajapanese ka na ha ..
    .. gumaganun?? .. :P

    ReplyDelete
  2. di naman kita iniinggit ee :P sorry naman jom! haha!
    mas astig nga sayu ee, sa mama mo kasi ginagawa yung ganyan, mas masaya yun! :))

    nag aaral akong mag japanese, basic lang, haha! wala kasing mapag-abalahan. :)

    ReplyDelete