Wednesday, March 30, 2011

don't fix me 'coz I'm not broken :>

OKAY.
so this is about LOVE. it's not interesting at all.
actually ayoko nga nito. dami ko lang talagang nakitang ganito.
at dahil natuwa ako, ito ang naging result.
karamihan dito ay base sa mga narinig ko't sinabi sakin ng mga kakilala ko.
at ang iba, base sa napagdaanan ko noon :P

~~~

I LOVE YOU - most abused statement
- sabi yan dun sa isang session namin sa Life Group.
totoo naman dba? madaling sabihin, pero kaya mo bang patunayan?
Hanggang saan? Hanggang kelan?
Kahit naman sino kayang sabihin to, di nga lang natin alam kung sino ang nagsasabi ng totoo.


LOVE - it is not a game at hindi ito MATH para gamitan ng T.A.E. method (Trial And Error - natutunan ko kay markine) :P Yes, Love is not trial & error, na kapag tingin mo you and your partner are not compatible, you'll just leave him/her hanging and you'll look for another victim. Pero sabi nila lahat daw ng relasyon trial & error at walang exemption dun. tsk di naman yata maganda yun. Sabi pa nga ng iba, "love is like math, trial & error basis kasi. kung di ka magkakaroon ng error di mo makikita ang tamang solusyon." pero di ba nila naiisip na sa kakatry nila may mga damdamin silang nasasaktan?! tsk tsk, love is a serious subject, so take it seriously. (malamang serious nga ee :P)

Ang Love ngayon ay DISPOSABLE.
Pag hindi na beneficial ang MAHAL mo kamo, itatapon mo na lang at bibili ng bago.
Ayos nu? Kainis ang ganyan . haha

~~~
Para sa mga babae:

Be confident of your  value, take care of your worth.
Don't be stupid sa mga taong stupid na nagsasabing mahal ka, pero sasaktan, iiwan, at ipagpapalit ka lang pala. 
Remember: stupid lang ang nagpapakastupid sa mga stupid.
( stupid is not an obscene word dba? saka i didn't use it that way naman :P )
Wag kang magmakaawa at maghabol, anu sya chix?
He doesn’t deserve you. Swerte naman nya to have you oyy.
Kung sya talaga yung kumalas, isipin mo na lang na he did that because he realized na di sya deserving na magkaron ng mala goddess na gaya mo. Madami pa dyang iba, na deserving para sa beauty mo :)

You don’t need to find love, let love find you.
Oo nga. Kung matagal bago dumating, wait ka pa. 
Wag kang mainip, wag kang maghanap.
Dadating ang tamang tao sa tamang panahon at pagkakataon.
Sabi ko nga sa kapatid ko ng minsang mag usap kami:
'' ganun naman talaga sa buhay, kapag may nawala at umalis, panigurado may dadating, so kailangan lang maghintay " At dagdag nya " pero kapag walang dumating, baka ibig sabihin may babalik "

AY GULAY?! Wag na lang sanang may bumalik, sana may dumating na lang.
Think of yourself, don’t let someone from your past hurt you all over again.
Malay mo kaya ka lang nya binalikan dahil di ka pa nya tapos saktan. Deba?
so, wait ka na lang. dadating din si Mr. Right Ü

 
Tigilan ang pag-iilusyon na mahal ka pa nya. Kung mahal ka pa talaga, He should do an action to win you back. Kaso hindi naman ganun di ba? He's not doing anything, baka nga he's saying BAHALA KA SA BUHAY MO, BAHALA AKO SA BUHAY KO. Wag ka ng umasa, masasaktan ka lang. isipin mo na lang na di ka na mahal nun, na para sa kanya never ka nyang nakilala. Kaya matauhan ka na, burahin mo na din sya sa alaala mo. kung nagawa ka nyang kalimutan, dapat magawa mo din yun. sabi nga sa isang text message, Don’t bother reserving a space in your heart for someone who doesn’t make an effort to stay. Iniwan ka na nga ee, wag ka ng umasang babalik pa sya. HUY! WAKE UP!

Hm, maging open ka din sa possibility na baka gusto ni God na maging single ka na lang forever. :)
Pwede naman yun dba? Na kaya nya pinaranas sayo ang pag-ibig dahil never ka ng magkakaron ulit. Kumbaga yun yung nakatadhana sayo. Na maranasan mo man lang magmahal ng ibang tao at mahalin ka din. Pero ang masakit na katotohanan, single ka until you grow old.
( Ako iniisip ko na baka ganyan kapalaran ko. :P )



Matuto kang magpatawad. Kung iniwan ka ng mahal mo dahil sa ibang babae, patawarin mo SIYA o SILA. Di naman talaga nila intensyon na saktan ka. Sadyang mahal lang nila ang isa't isa. At sa pagmamahalan nila, ikaw yung natapakan, ikaw yung nasaktan. Pero okay lang, pwede ka namang bumangon ee . Sabi ko nga patawarin mo sila, pero wag mo silang kakalimutan aa, reresbakan pa natin sila. CHAROT! :)



Kung magmamahal ka ulit, siguraduhin mong handa ka ulit masaktan. Dahil hindi natin alam ang kahihinatnan ng mga bagay. Wag ka na lang cgurong magmahal ng sobra sobra kagaya dati. Basta mas mahalin mo ang sarili mo. Wag mong hayaang dumating sa punto na mas mahal mo sya kesa mahal ka nya. Oo di maiiwasan yun, mapagmahal kc taung mga babae, pero as much as possible, kontrolin mo, para di ka na umiyak ng sobra like before. Learn from your mistakes aa? If may shortcomings ka man dati, punan mo yun kapag nagmahal ka na ulit.

Accept the reality that some love are about to be lost. Not all of us will end up happy. Madami mang miserable na happenings sa buhay pag-ibig mo, okay lang yon, marerealize mo pagdating ng araw na nakatulong pala sayo lahat ng di kagandahang pangyayari sa buhay mo.

...

Di ako sanay na nagsasabi ng mga ganito, parang di bagay xD
Hayaan nyo na, ngayon lang naman :'>
Madami pa kong gustong sabihin, pero next time na lang.
I have drama & I have memories.
Live it. Love it. Learn from it. :)

No comments:

Post a Comment